Saturday, May 31, 2008

eto na...

I finished it... and I'll let you read it only here on my blog...

Ang Senyor

Ang pangalan ko ay Marco, 7 taong gulang, ang aking ama ay isang drayber ng jeep at ang aking ina naman ay labandera. Ang pamilya namin ay isa lamang sa milyon-milyong pamilya na kumakalam ang sikmura, ako ang panganay sa dalawa ko pang kapatid. Isang araw isinama ako ng aking ina sa isang napakalaking mansion, ang sabi niya samahan ko siya upang may katulong siya sa paglalaba. Ako'y galak na galak dahil isasama niya ako sa isang malaking palasyo. Ihinatid kami ng aking ama sa naturang mansion kasama ang dalawa kong kapatid, nang kami'y nakarating pumasok kam sa bakuran ng mansion, napakaganda at napakalaki nga ng bahay na iyon, nuon lamang ak nakakita ng ganoong kagandang bahay, animo'y ang mga nakatira ay mga prinsesa at prinsepe. Ilang saglit lamang ay may isang mama na lumapit sa aking ina at nag-usap sila. Habang abala ang aking ina, binusog ko ang aking mga mata sa mga napakagandang hardin, mayroon akong nakitang maliit na sapa, ngunit mas maganda pa ito sa isang sapa, punong-puno ito ng makukulay na isda. Napakaganda talaga... Ang puso ko'y galak na galak dahil naranasan kong mamasyal sa isang maganda at malaking mansion.Nasulyapan ko ang isang maliit na kuneho, nang ito'y aking lapitan at hawakan tinawag ako ng aking ina.

"Marco halika, may ipapakilala ako." wika nito, dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan niya at ng mamang kanyang kausap...

"Halika ito si Senyor Villafuente siya muna ang tatayong magulang mo dito sa mansion, ipangako mo na lahat ng bilin niya ay susundin mo naiintindihan mo ba?"

"Ngunit ina ang akala ko ba'y sasamahan lamang kita sa iyong paglalaba rito sa mansion, bakit mo ako iiwan rito?"

"Anak intindihin mo sana ako, hindi ka namin kayang pag-aralin at bigyan ng magandang kinabukasan ng iyong ama, kaya dito ka na muna kay Senyor..."

"Ngunit ina..."

Hindi na ako muling nilingon ng aking ina. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak na parang isang bata, nagsisilakbo ang aking damdamin. Lumapit sa akin ang Senyor.

"Huwag ka ng umiyak, simula ngayon Marco ikaw na ang bago kong anak, ikaw ang bagong prinsepe sa bahay na ito." aniya na napakabait.

Dinala ako ng Senyor sa aking magiging silid, duon ako nagpahinga at nagmuni-muni. Ang silid na aking kinaroroonan ay napakalaki at punong-puno ng magagandang laruan, tuwang-tuwa ako, ngunit sa kabila ng kasiyahang nararamdaman ko hindi makukubli ang sakit na pilit akong hinahagupit.Narinig ko ang mga yabag ng paa, alam kong ito ang Senyor, kumatok ito sa pinto at bumukas...

"Kumusta ka hijo? Ito si Aling Cora simula sa araw na ito siya ang mag-aalaga sayo."

"Ikinagagalak kitang makilala Aling Cora, ang pangalan ko ho'y Marco."

"Naku Marco tawagin mo nalang akong Nanay Cora..."

"Kung yan ho ang hiling niyo, masusunod Nanay Cora."

Inayos ko ang aking sarili. Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng mansion upang magpunta sa hardin.

"Yohooo! Kuneho nasan ka na ba?" halos inabot ako ng isang oras sa paghahanap ng kuneho ngunit hindi ko rin ito nahanapan. Nakarinig ako ng malakas na sipol, nanggagaling ito sa likod bahay, akin itong pinuntahan. Nabigla ako ng nakita ko ang isang puting kabayo, ubod ito
ng ganda, nilapitan ko to at hinawakan.

"Nagustuhan mo ba si Silver?" tanong ng Senyor...

"Oho senyor. Silver ang kanyang pangalan?"

"Oo pinangalanan siya ng aking nag-iisang anak na si Marc."

"Nasan na ho si Marc?" ang maagap kong tanong.

Sa halip na ito'y sagutin ngumiti lamang ito at tumalikod. Binalewala ko ito at itinuon ang pansin sa napakagandang kabayo, si Siver. Lumipas ang madaming buwan, natutunan kong mabuhay na parang isang prinsepe, natutunan ko kung paano kumain ang isang mayaman, natutunan ko na hindi lahat ng bagay ay nasusukat ng pera.

"Marco halika na at magbihis, madungis ka na at amoy pawis."

"Nanay Cora, ang ganda talagang sakyan ni Silver napakabilis niyang tumakbo..."

"Naku oo na..."

"Nay hindi bat si Marc ang nagpangalan nito kay Silver, nasan na siya?"

"Matagal ng pumanaw si Marc, Bata pa lamang ito gaya mo nuong huli ko siyang makita. Mabait si Marc at mahal na mahal siya ng Senyor." tugon ni Nanay Cora.

"Pumanaw? Ano ho ang ibig niyng sabihin?"

"Namatay si Marc sa isang trahedya, nasunog ang dati nilang tirahan nuon. Natumba ang lampara ni Marc sa loob ng kanyang silid. Mabilis kumalat ang apoy. Pero alam mo wala ni isa sa amin ang naniniwala na aksidente ang nangyari ng panahong iyon. Alam namin na sadyang sinunog ang dati nilang tinitirhan..."

Nagkwento pa ng nagkewnto si Nanay Cora, dito ko nalaman na sinubukan siyang iligtas ni senyor ngunit bigo ito. Naghapunan kami ng isang masarap na lechon hindi ko napigilan ang aking sarili. Napakasarap nito, nuon lamang ako nakatikim ng lechon dahil mahirap nga lang magulang ko. Kinabukasan habang naglalaro ako sa hardin narinig ko ang mga tinig na animoy nagwewelga. Lumapit ako kay nanay Cora upang tanungin kung ano ang kaguluhang iyon...

"Yan ang mga nagrerebelde sa senyor. Pinaparatangan nila ang Senyor na may pinapaboran ito sa kanyang mga tauhan. Minasama nila ang pagbibigay nito ng lupa sa ilan sa kanila. Binigyan niya ng lupa ang mga tapat sa kanilang gawain at pinaalis ang mga abusado at mapagmalaki. Mabait ang Senyor at makatao. Alam nia ang dapat gantimpalaan at ang hindi..."

Totoo ngapalang napakabait ng Senyor... Nang gabing iyon nagsalo-salo kami sa hapag-kainan si Nanay Cora, ako ang Senyor at ang ibang kasambahay, lahat ay maligaya lalo ang Senyor. Natapos ang salo-salo, lahat ay hapong-hapo, lahat ay nakatulog ng mahimbing ngunit ako'y gising. Naaalala ko ang king pamilya. Sana ay kasama ko sila. Habang ako'y nagmumuni-muni narinig ko ang mga sigaw ng Senyor mula sa kanyang silid, pati narin ang mga kasambahay, dali-dali akong nagtungo rito. Nasusunog ang malaking bahagi ng bahay at nagmumula ang apoy sa silid ng mabait na senyor, tinignan ko ang orasan, alas dos ng madaling araw. Hindi ako nag-alinlangan na pumasok at iligtas siya. Nang papalapit na kami sa ligtas na lugar, nakita kong lumuha siya at tinignan ang litrato ng isang bata. Alam kong iyon si Marc, sinabihan ko siyang tumakbo na. Aking binalikan ang litrato ni Marc para lamang sa Senyor ngunit hindi ako nakaligtas... Sa kahuli-huling sandal ng aking buhay nakita ko ang Senyor, isinisigaw niya ang aking pangalan...

"Marco, Marco! Anak ko..."

Nuon niya lamang ako tinawag na Anak. Masaya ako ngaun, kasama ko na si Marc. Dalawa na kaming magbabantay sa isang mabuting tao, Ang Senyor...

5 comments:

Dione said...

oohh... gawa mo ba to?? i think its nice... haha weit babasahin ko muna...

Carla said...

oo gawa ko ito... Manong dione talaga, anyway thanks sa comment...

Dione said...

Para san to?? school? sabi mo ipapabasa mo na dito... wala ka naman nasabi sa previus post mo about this.. hehe... ui yung mga poems mo din.. post ka dito... aabangan ko

Carla said...

pinag-iisipan ko pa ulit kung isu2bmmitt ko sa The Marian eh... Ung isa kong story nasubmmitt ko na aantayin ko pa maipublish... Sige, sige, gagawa ko mga poems antayin mo nalang... eehheee...

Dione said...

hahaha sige.... promote ko din to... pag butihin...